^

Bansa

Dagdag benepisyo sa guro giit

-

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Edgardo Angara ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga guro.

Ayon kay Angara, ikinokonsiderang mga “unsung heroes” ang mga guro dahil sa patuloy na pagtataguyod sa edu­kasyon.

Sa Senate bill 881 ni Angara, nais nitong mag­karoon ng mas maraming benepisyo ang dependents ng mga public school teachers at ami­yendahan ang Republic Act 4670 o mas kilala bilang Magna Carta for Public School Teachers.

Nais ni Angara na bigyan ng scholarship grants, free medical treatment at pensiyon ang dependents ng mga guro.

Naniniwala si Angara na kung hindi man ma­itaas ang suweldo ng mga guro, malaking tulong kung mabibigyan sila ng ibang benipisyo katulad ng libreng medical examination.

Kailangan naman uma­nong ma-meet ang academic requirements para mapagkalooban ng educational benefits ang dependents ng mga guro.

Ang Commission on Higher Education (CHED) at technical educational skills development (TESDA) ang bubuo ng rules and regulations para sa pagpapa­tupad ng panukala. (Malou Escudero)


ANG COMMISSION

ANGARA

HIGHER EDUCATION

MAGNA CARTA

MALOU ESCUDERO

PUBLIC SCHOOL TEACHERS

REPUBLIC ACT

SA SENATE

SENATOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with