'Hindi lahat ng nagdarasal, banal'
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Archdiocese of Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles na hindi lahat ng mga nagdarasal ay banal o taos sa kanilang puso.
Ayon kay Arguelles, may mga nananalangin na hanggang simbahan lamang at kaharap ang mga santo pero marumi ang kaisipan pagkatapos magdasal o lumabas mula sa sagradong lugar.
Aniya, ang lahat naman ay may goodwill subalit kadalasang nalilimutan na lamang ito ng tao.
“Na para bagang akala natin we pray pero actually, siguro ang ating prayer ay hanggang simbahan na lang, hanggang kaharap natin ang image ng santo, pero the rest ang kasama natin ay evil,” giit ng Arsobispo.
Dahil dito, mas kailangan ngayon ng lahat ng tao ang tuluy-tuloy na conversion upang mas maging matapat ang pagdarasal. (Doris Franche)
- Latest
- Trending




















