Bakanteng puwesto sa Korte Suprema napunuan na
MANILA, Philippines - Napunan na kahapon ang lahat ng bakanteng puwesto sa Korte Suprema matapos na maka tanggap ng appointment papers ang mataas na hukuman para sa abogadong si Roberto Abad bilang kapalit ni Associate Justice Dante Tinga.
Si Tinga ay nagretiro noong Mayo 11, 2009.
Kahapon nanumpa na sa kanyang bagong pwesto si Abad sa harap ni Chief Justice Reynato Puno kasama ang kanyang pamilya.
Nauna ng itinalaga noong Huwebes ni Pangulong Arroyo si Court of Appeals Associate Justice Mariano del Castillo bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Si Abad ay nagsilbing abogado ni business tycoon Lucio Tan sa P25 billion tax evasion case noong 1993.
Nagtapos din ito bilang abogado sa Ateneo de Manila Law School at kasalukuyang dean ng UST College of Law. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending