Suspension ng 3 Davao executives hindi pulitika - Nograles
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni House Speaker Prospero Nograles na hindi biktima ng politika ang tatlong local na opisyal ng Davao City kaya’t sinuspindi ito ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan.
Ayon kay Nograles ang pagkakasuspinde kina City Administrator Wendel Avisado, City Engineer Jose Gestuveo, at City Drainage Maintenance Unit chief Yusop Jimlani ay batay lang sa masusing imbestigasyon ng Ombudsman at ito ay hindi dahil sa impluwensiya gaya ng alegasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nasuspindi ang mga ito dahil sa umano’y pag-aalis ng national park sa Quezon Boulevard, Davao City na una ng pinondohan ng gobyerno.
Aniya, dapat ay tingnan at pag-aralan ng kampo ni Duterte ang constitution para malaman nito na ang Ombudsman ay isang independent body at hindi naiimpluwensiyahan ng sinoman kung saan sinuspinde ang apat na local na opisyal dahil sa merito ng kaso ng mga ito. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending




















