Kay Cory bilang Bayani..., 'Bahala na ang Kongreso'
MANILA, Philippines - Ipauubaya ng Malacañang sa Kongreso ang panukalang gawing bayani o ideklarang santo si yumaong Pangulong Corazon Aquino.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, hahayaan ng Palasyo na ang Kongreso ang magdesisyon at tumalakay sa resolusyong ideklarang bayani si Cory habang ang panukala namang ideklara itong santo ay ipinauubaya naman ng Malacanang sa lidero ng Simbahan.
Wika ni Remonde, maituturing na karangalan sa mga Pilipino anuman ang kanilang political affiliations kapag nabigyan ng ganung pagkilala ang yumaong pangulo sa sandaling aprubahan na maging “santo” ito.
Magugunita na naunang inihayag ng Malacañang na walang pagtutol ang Palasyo sa isinusulong na gawing bayani si Cory.
Tinawag din ni Pangulong Arroyo na isang “national treasure” ito kaya malaking kawalan sa bansa lalo pa’t siya ang ina ng demokrasya. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending