MANILA, Philippines - Lalagdaan ngayon ni Pangulong Arroyo ang Comprehensive Agrarian Reform Program extention with reforms (CARPer) bill na gaganapin sa Plaridel, Bulacan.
Gagawin ang paglagda sa CARPer bill ngayong alas-10 ng umaga sa Don Cesario San Diego Gym sa Plaridel.
Palalawigin ang pagpapatupad ng CARP ng 5 taon at maglalaan ng P100 bilyon para sa land acquisition ng mga lupaing masasakop ng bagong batas.
Inaasahang dadalo din sa signing ceremony na ito ang mga authors ng CARPer sa Kamara at Senado, gayundin si Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at mga local officials. (Rudy Andal)