Marcoses welcome sa burol ni Aquino
MANILA, Philippines - Tila ito na ang simula ng pagkakasundo ng dalawang prominenteng pamilya matapos na ihayag ni Senador Benigno “Noynoy” Aquino III na welcome ang pamilya Marcos sa burol ng kanilang ina na si dating pangulong Corazon Aquino.
Ayon kay Senador Aquino, rerespetuhin nila ang pamilya Marcos kung nais ng mga itong magbigay ng huling respeto sa kanyang ina.
Idiniin ni Sen. Aquino na ang lahat naman ng mga nais na dumamay sa kanila ay welcome ngunit dapat lamang itong gawing sinsero.
Kamakailan ay tinanggap ng pamilya Aquino ang panalangin ng pamilya Marcos sa pangunguna ni dating Unang Ginang Imelda Marcos habang nakaratay sa ospital si Gng. Aquino at nakikipaglaban sa sakit na colon cancer. (Doris Franche)
- Latest
- Trending