Montano bagong PASG director

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Presidential Anti-Smuggling Goup (PASG) chief Undersecretary Antonio Villar Jr. ang kapatid ng TV host/actor na si Cesar Montano bilang PASG director sa Bohol. Sinabi ni Usec. Villar, ang pagtatalaga niya kay Romell Montano Manhilot bilang PASG director sa Bohol ay lalong magpapalakas sa anti-smuggling activities sa Bohol. Kasama ni Rommel na nag-courtesy call sa tanggapan ni Villar ang kapatid nitong si Cesar Montano.

Nagpahayag din si Cesar ng kanyang suporta sa anti-smuggling drive ng PASG at sinabing malaki ang naitutulong nito sa gobyerno para masawata ang ginagawang pandaraya sa pagbabayad ng tamang buwis ng nasabing mga smugglers. (Rudy Andal)

Show comments