^

Bansa

3,500 kawani ng Caloocan nabigyan ng flu vaccine

-

MANILA, Philippines - Nabakunahan ang may 3,500 kawani ng Caloocan City Government sa kauna-unahan at malawakang influenza immunization program sa unang linggo ng ope­ rasyon nito, iniulat ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Ayon kay Echiverri, ang mataas na employee turnout at vaccination rate na 72% ng kabuuang 4,839 empleyado ay magrere­sulta sa higit na mataas na lebel ng protekstyon laban sa influenza para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod.

Una rito, naglaan si Mayor Recom, sa pama­ma­gitan ng City Ordinance 457, ng may P1.7 milyon mula sa taunang badyet ng lungsod para pambili ng mga flu vaccine.

Ayon naman kay City Health Officer Dr. Raquel So-Sayo, ang mga nagpa­bakunang empleyado ay protektado laban sa influenza sa loob ng isang taon at kung magkakasakit man ang mga ito ng parehong impeksyon ay hindi na ga­noon kapa­nganib.

Aniya, karaniwang aabot mula P800 hang­gang P1,200 ang gastos sa pagbabakuna kapag gina­wa ito sa ibang mga ospital at klinika.

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY GOVERNMENT

CITY ORDINANCE

DR. RAQUEL SO-SAYO

ECHIVERRI

MAYOR ENRICO

MAYOR RECOM

NABAKUNAHAN

RECOM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with