Drug lords, smugglers target ng NPA
MANILA, Philippines - Magtatayo ang New People’s Army ng bagong grupo na lilikida sa malalaking drug lords at smugglers gayundin sa nagbibigay ng proteksiyon sa mga ito para mawala ang mga “anay” sa lipunang Pilipino.
Ayon kay Ka James, kanang kamay ni NPA spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal, panahon na upang lapatan ng parusa ang mga sangkot sa drug trafficking at smuggling na nakasisira sa ating lipunan.
“Panahon na ng pagpapataw ng parusa, ang pananahimik namin ay hindi nangangahulugang wala kaming ginagawa laban sa tiwaling gawain ng mga drug lords lalo sa Timog Katagalugan,” ani Ka James.
Sinabi ni Ka James na iimbestigahan din nila ang kaso ng human traffickers, rapists, hired killers at iba pang sangkot sa ilegal na gawain na perhuwisyo sa taumbayan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending