Aksidente dadami sa aspalto ng MNR
MANILA, Philippines - Posibleng dumami pa ang aksidente sa kalye matapos na ilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-aaspalto ng Manila North Road (McArthur Highway na mula sa Monumento–Bulacan) ang pondo na dapat ay nakalaan sa traffic control and management.
Sa pagpupulong sa mga protesters na mula sa transport at business sectors, binatikos ng grupo ang pagbabalewala ng DPWH sa kautusan ni Pangulong Arroyo na ipatupad ang proyekto para sa traffic control, safety at management sa ilang mga pangunahing kalsada na patungo sa Central at Northern Luzon.
Anila, ang panukalang “negotiated procurement’’ para sa karagdagang kontrata para sa sinasabing traffic management ng MNR package 2 ay hindi lamang paglabag sa Republic Act 9184 kundi ‘irrelevant” sa traffic management and control.
Ayon kay Melo Gonzales, meat dealer, sa walang humpay na pagtataas ng gasolina, iniiwasan niyang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) upang hindi na magbayad ng toll fee at maideliver ang mga sariwang baboy at iba pang meat products mula sa Bu lacan, Pampanga at Tarlac papuntang Quezon City.
Iginiit ni Gonzales na ang road asphalting ay pinakawalang kuwentang solusyon sa trapiko. Isa umano itong maliwanag na ‘technical malversation’ at ‘insubordination’ sa kautusan ng Pangulo. (Doris Franche)
- Latest
- Trending