Misis ni Joma, kaanak ni de Lima
MANILA, Philippines - Inamin ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Leila de Lima na kamag-anak niya ang asawa ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na si Juliet de Lima.
Sinabi ni de Lima na hindi niya itinatatwa o itinatagong malayong kamag-anak ng kanyang amang si Vicente de Lima si Juliet at tubo din itong Iriga city sa Bicol.
Pero nilinaw ni de Lima na kahit kailan ay hindi niya nakilala si Juliet at lalong walang kinalaman ang kanilang blood relations sa pagtupad niya ng kanyang trabaho.
Kinukwestyon ni de Lima kung bakit pinalalaki nina Bantay Rep. Jovito Palparan at Anad Rep. Pastor Alcover ang isyung ito.
Mistula anyang may personal na krusada na sina Palparan at Alcover para harangin ang imbestigasyon sa reklamo ng Fil-Am activist na si Melissa Roxas kaugnay ng umanoy pagdukot at pag-torture dito ng militar.
Si Palparan ay tinaguriang berdugo ng mga akti bista at sinasabing isa sa utak ng extra judicial killings sa bansa (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending