^

Bansa

Jamby tatakbong pangulo sa 2010

-

MANILA, Philippines - Pormal nang nagdek­lara kahapon si Sen. Jam­by Madrigal ng pagtakbo bilang Pangulo sa 2010 elections.

Sinabi ni Madrigal na makaraan ang kanyang dalawang linggong retreat ay nagdesisyon siya na tumakbo bilang Presi­dente.

Nagbunsod aniya ang kanyang desisyon maka­raang himukin siya ng sambayanan at iba’t-ibang grupo para tumakbong Pangulo.

Sinabi ni Madrigal na simple lamang ang kan­yang layunin, ang mag­ling­kod nang tapat sa bayan.

“My goal is selfless service, pure and simple. I will pay my debt only to the country. This country has given me so much and my gift to our people is to change their lives for the better,” banggit ni Madrigal.

Pagmamalaki pa nito, kahit minsan ay hindi niya ginamit ang kanyang po­sis­yon bilang senador para lamang sa personal gain.

Patunay lamang aniya nito ay ang pagboto laban sa EVAT, JPEPA, anti-terrorism law at ang patuloy na paglaban sa korapsyon.

Nakatakdang magha­rap ng kanyang candidacy si Madrigal sa Nobyembre 30 at bilang miyembro ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban), pinag-uusapan na rin kung sino ang kanyang magiging running mate.

Samantala, sinabi na­man ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio na hindi minasama ng Malacanang ang nasabing desisyon ni Madrigal dahil kwalipikado naman aniya ito, ngunit malabo na ma­isakatuparan pa ni Estrada ang adhikain nitong ma­pag-isa pa ang oposisyon.

Tiniyak din ni Madrigal na hindi siya papayag na kumandidato lamang vice president dahil buo na ang kanyang desisyon para sumabak sa presidential race. (Malou Escudero/Rudy Andal)

vuukle comment

DEMOKRATIKONG PILIPINO-LABAN

KANYANG

LABAN

MADRIGAL

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER GABRIEL CLAUDIO

RUDY ANDAL

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with