^

Bansa

GMA-Obama meet naging mabunga

- Nina Rudy Andal at Ellen Fernando -

MANILA, Philippines -Ipinagmalaki kahapon ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo na mabu­nga ang 45 minutong pakikipag-usap niya kay United States President Barack Obama sa Oval Office ng White House sa Washington.

Sinabi ng Pangulo na sinentruhan ng pag-uusap nila ni Obama ang counter-terrorism campaign, global financial crisis, climate change at nuclear proliferation.

Binanggit pa niya na puring-puri ni Obama ang tulong ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapaya­paan sa Asya.

Tiniyak naman ni Oba­ma na tutulong ang US government sa Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Sa ginanap naman na joint briefing nina Pangu­long Arroyo at Presidente Obama, may light moment na tanong sa dala­wang lider.

Ayon kay Pangulong Arroyo, “she found Oba­ma, warm and welcoming.” Sagot naman ni Obama, “she has great personal charm.”

Tila walang epekto ang ipinadalang open letter ng mga kritiko ni Pangulong Arroyo kay Obama na si dating Senate President Franklin Drilon at iba pang opo­sisyon na dapat umanong mag-ingat ang US president dahil ang kakausa­pin daw nitong lider ay balot ng alegasyon ng katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.

Dahil sa paghanga kay Gng. Arroyo, itinalaga ni Obama ang Pilipinas bilang coordinator ng US sa mga programang ilu­lunsad nito sa Asian region partikular sa environment protection.

Samantala, habang nagaganap ang pulong, nag-rally sa labas ng White House ang ilang miyembro ng grupong anti-Gloria at pro-Gloria.

ASYA

OBAMA

OVAL OFFICE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MA

PILIPINAS

PRESIDENTE OBAMA

SHY

UNITED STATES PRESIDENT BARACK OBAMA

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with