Petisyon vs Con-Ass ibinasura na ng SC

MANILA, Philippines -Tuluyan nang tinul­dukan ng Korte Suprema ang dalawang petisyon na humihiling na ipa­walang-bisa ang resolus­yon na ipinalabas kama­kailan ng House of Representatives na magko-convene ang mga mam­babatas sa isang Constituent Assembly para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa isang unanimous decision, sinabi ng Supreme Court (SC) na walang batayan ang pe­tisyon na inihain ng mag-amang abogado na sina Atty. Oliver at Evangeline Lozano gayundin ng isa pang Luis Biraogo dahil na rin sa wala pang ak­tuwal na kaso na dede­sisyunan.

Matatandaan na no­ong Hunyo ay nagpasa ng isang resolusyon ang mga kaalyadong mam­babatas ni Pangulong Arroyo sa Kamara kung saan sa pamamagitan ng ipina­sang Resolution 1109 ay pahihintulutan ang pagbuo ng constituent assembly na ayon sa mga kritiko ng Pangulo ay isang hakbang ng administrasyon para mapalawig pa ang ter­mino nito paglipas ng 2010.

Sa ilalim ng Resolution 1109 ay maari na ma­amyendahan ang Sali­gang Batas nang hindi na ka­ilangan dumaan sa Senado.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Jose Midas Mar­quez, malinaw uma­no na hindi nito pipigilin na mag-convene ang mga mam­babatas bilang constituent assembly base sa desis­yon ng mga mahistrado.

Sa unang desisyon ng SC sa petisyon ng mag-amang Lozano noong June 16, sinabi nito na tanging aktuwal na mga kaso may hu­risdiksyon ang Korte Suprema.

Matapos mabasura ang unang petisyon ay agad na naghain ng motion for reconsideration ang mag-amang Lozano na pinal ding ibinasura ng SC at sinabing tapos na ang usapin sa naturang isyu. 

Show comments