MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo patungong Estados Unidos para makipagpulong kay US President Barack Obama at talakayin ang mahahalagang bagay sa seguridad at iba pa.
Kasama ng Pangulo sina First Gentleman Mike Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita, Finance Secretary Margarito Teves at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan sakay ng Philippine Airlines flight PR-110.
Matapos ang usapan pang-seguridad ay lilipad muli si Arroyo sa New York para kausapin ang mga negosyante doon.
Susunod niyang pupuntahan ang Chicago para makipag-usap sa mga Pilipino doon.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na si Presidential Political Adviser Gabriel Claudio ang magiging acting executive secretary sa loob ng limang araw dahil kasama siya ni Pangulong Arroyo sa biyahe pati na rin si Press Secretary Cerge Remonde.
Itinalaga naman ni Pangulong Arroyo bilang caretaker si Vice-President Noli de Castro habang nasa US si GMA. (Butch Quejada at Rudy Andal)