^

Bansa

Pinay patay sa AH1N1

- Nina Mer Layson at Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Namatay na ang isa pang Pilipina na nagta­trabaho bilang domestic helper sa Hong Kong at naunang napaulat na nagkasakit ng inlufenza AH1N1 virus.

Dahil dito, pinanga­ngambahan ang pag­kalat ng isang mas na­kaka­matay na virus kay­sa naunang “mild” o ba­na­yad lang.

Nabatid sa Department of Foreign Affairs na ang 37-anyos na Pilipina na tubong-Tar­lac ay binawian ng bu­hay noong Lunes ha­bang nakaratay sa Uni­ted Christian Hospital sa Kowloon.

Naulila niya ang kan­yang anim na buwang gulang na anak na lalaki at asawa.

Hiniling naman ng media advisor ng Overseas Workers Welfare Administration na si Romeo Pajarillo sa mga mamamahayag na hu­wag ng ilathala ang pa­ngalan ng naturang Pili­pina at ng asawa nito.

Noong Hunyo 28 lang dumating sa Hong Kong ang naturang Pilipina pero agad siyang nilag­nat, nagkaroon ng sore throat, runny nose at diarrhea. Naospital siya noong Hulyo 7 at pag­karaan ng ilang araw, nakumpirmang meron siyang seryosong uri ng sakit na AH1N1.

Sa tulong ng DFA, na­kapunta sa Hong Kong ang asawa ng bik­tima noong Hulyo 24 kaya nakapiling pa niya ito bago siya tuluyang bina­wian ng buhay.

Nabatid na ang natu­rang Pinay ang ikala­wang tao na namatay sa AH1N1 sa HK.

Ang una ay isa ring Pilipino na nagta­trabaho naman bilang seaman.

CHRISTIAN HOSPITAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HONG KONG

HULYO

NABATID

NOONG HUNYO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PILIPINA

ROMEO PAJARILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with