Kanser ni Cory kumalat
MANILA, Philippines - Mismong si Senator Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagkumpirma kahapon na kumalat na sa atay at ibang lamang-loob ang kanser ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.
Bagaman at kumalat na umano sa atay ang cancer cells ng dating pangulo, hindi naman sigurado kung isasailalim pa ito sa chemotherapy dahil hindi naman tiyak kung makakabuti o mas makakasama ito sa kanyang mahinang sitwasyon.
Nakatakdang magpalabas bukas ng detalyadong paglalarawan ang pamilya tungkol sa pinagdadaanan ng dating pangulo
Ayon kay Noynoy, labis siyang humahanga sa ipinakikitang katatagan ng kanyang ina dahil kahit noong nakakapagsalita pa ito ay hindi ito nagreklamo kahit alam nila na may nararamdamang sakit at maraming tubo na nakakabit sa kanya.
Umaasa si Noynoy na magkakaroon ng kapanatagan ang kanyang ina sa kabila ng kanyang karamdaman. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending