^

Bansa

Dacer-Corbito slay: Lacson sinubpoena na ng DOJ

-

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Department of Justice si Senador Panfilo Lacson na sagutin ang kasong double murder na isi­nampa laban sa kanya ng pamilya ng publicist na si Salvador “Bubby” Dacer.

Ayon kay Acting Justice Secretary Agnes Devanadera, kailangan humarap si Lacson sa isasagawang preliminary investigation sa Biyernes upang magsumite ng kan­yang counter-affidavit.

Matatandaan na ki­nasuhan ng murder ang senador ng mga anak ni Dacer na sina Emily Hun­gerson, Sabin Reyes, Carina Dacer at Amparo Dacer dahil sa pagka­kapaslang sa kanilang ama at sa driver nitong si Emmanuel Corbito sa Cavite noong 2000.

Pinagbasehan ng rek­lamo ng pamilya Dacer ang sinumpaang salay­say ni dating police Senior Supt. Cesar Mancao na pinanumpaan nito sa Consul General sa New York noong Marso 23.

Dumating noong Hun­yo sa Pilipinas si Mancao na ginawang testigo ng pamahalaan laban sa mga suspek sa krimen.   Sumunod na bumalik sa bansa nitong buwang ito ang dati rin niyang ka­sama sa buwag nang Presidential Anti-Orgazed Crime Task Force na si dating Police Senior Superintendent Glenn Dum­lao na suspek din sa Dacer-Corbito murder.

Nangako naman si Dumlao na ibubunyag ang lahat ng kanyang nalalaman sa Dacer-Corbito double murder case kasabay ng pagpa­pahayag na handa itong maging state witness sa kontrobersyal na kaso.

Hindi pa sigurado si Lacson kung haharap sa DOJ matapos siyang padalhan ng subpoena.

Ayon kay Lacson, ko­konsultahin pa niya ang kanyang mga abogado kung sisiputin ang gina­wang pagpapatawag sa kanya ng DOJ sa Biyer­nes dahil base lamang sa is­ pikulasyon ang naka-attach na dalawang affi­davits. (Gemma Amargo-Garcia at Malou Escudero)


vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

AMPARO DACER

AYON

CARINA DACER

CESAR MANCAO

CONSUL GENERAL

DACER

DACER-CORBITO

LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with