^

Bansa

SONA inisnab ng ilang mambabatas

-

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, kalahati ng mga miyembro ng Senado ang hindi dumalo sa pinakahuling State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo.

Kabilang sa mga nang-isnab sa SONA ng Pangulo sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Senators Manuel Villar Jr., Francis Escudero, Francis Pangi­linan, Panfilo Lacson, Jamby Madrigal, Jose Estrada, Joker Arroyo, Benigno Aquino III, Alan Peter Cayetano, Mar Roxas, at ang nakapiit pa ring si Antonio Trillanes IV.

Bagaman at kilalang maka-administrasyong senador, taun-taon ay hindi dumadalo sa SONA si Joker Arroyo.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, wala namang epekto sa joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang hindi pagdalo ng mga senador dahil hindi naman kinukuwestiyon ang quorum tuwing may SONA.

Ilan ding oposisyong kongresista ang hindi dumalo sa SONA tulad ng mga militanteng partylist representatives na mas piniling sumama sa mga anti-government protesters sa labas ng Kongreso. (Malou Escudero at Butch Quejada)


ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BENIGNO AQUINO

BUTCH QUEJADA

FRANCIS ESCUDERO

FRANCIS PANGI

JAMBY MADRIGAL

JOKER ARROYO

JOSE ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

KONGRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with