Drug test sa OFWs hirit ng PDEA

MANILA, Philippines - Kokunsultahin ng Philippine Drug Enforcement Agency ang Philippine Overseas Employment Ad­ministration para isama sa mandatory drug test ang mga overseas Filipino worker bago sila payagang maka­ pag­trabaho sa ibang bansa.

Sinabi kahapon ni PDEA Dir.Gen. Sr. Undersecretary Dionisio Santiago na uma­ayon sila sa mungkahi ng POEA na dapat munang konsultahin ang lahat ng mga nasasangkot bago obligahing magpa-drug test ang mga OFW dahil dagdag ito sa kanilang gastusin.

Ang mandatory drug test ay bahagi ng programa para imulat ang mga OFW sa problema sa droga at sa operasyon ng mga drug trafficker na gumagamit sa mga OFW sa pagpupuslit ng droga sa ibang bansa.

Sinabi ni Santiago na ang pagdami ng mga Filipino na inaaresto at ikinu­kulong sa ibang bansa dahil sa pag­kakasangkot sa drug mules ay nakakaalarma na kaya nakipag-ugnayan na ang PDEA sa POEA sa na­ka­raang paglagda sa Memo­randum of Agreement ng da­lawang ahensiya. (Angie dela Cruz)


Show comments