^

Bansa

CPD, LRT officials inasunto sa CHR

-

MANILA, Philippines - Pormal nang sinam­pahan ng kaso sa Commission on Human Rights ang mga kagawad ng Central Police District at isang kinatawan ng Light Rail Transit na umano’y uma­buso sa karapatang pan­tao ng mga empleyado ng La Campana Development Corp. at MWC Enterprises sa lungsod ng Quezon.

Sinampahan ng ka­song abusive and inhumane manner, arbitrary and illegal investigation, violation of Section 12 of Article III of Constitution sina Col. Ratuita, Chief Investigator Dorothy Du, police officers na kinilala lamang sa apelyidong Ro­sario, de Jesus, Dela Pena at Gonzales na pawang miyembro ng SWAT at CIDU ng CPDC.

Ayon kay Atty. Meynard Carreon, alam nila na may kaso ang lupang kinatitiri­kan ng kompanya na pu­ma­pabor sa La Campana pero hindi dapat idamay ang mga emple­yado tulad ng ginawang panunutok ng baril, pagbu­hos ng tubig sa mga natu­tulog at higit sa lahat ay walang court order uma­nong bitbit ang mga na­banggit nang pasu­kin ang compound ng kom­panya.

Sa reklamo ng La Cam­pana, huling nakatikim ng panghaharas ang kanilang mga empleyado noong Sabado, (Hulyo 4) nang biglang pumasok sa compound ang grupo umano ni Insp. Du at dinisarmahan ang mga security guard at lalaking empleyado.

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INVESTIGATOR DOROTHY DU

DELA PENA

HUMAN RIGHTS

LA CAM

LA CAMPANA

LA CAMPANA DEVELOPMENT CORP

LIGHT RAIL TRANSIT

MEYNARD CARREON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with