^

Bansa

Cory 'pinatay' sa text

- Nina Doris Franche, Malou Escudero, Rose Tesoro at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bahagyang nagka­gulo at nabalutan ng luha at lungkot ang mga du­malo sa isang misa para kay dating Pangulong Corazon Aquino sa bul­wagan ng Manila City Hall nang “makuryente” ang officiating priest na si Fr. Mark Munda na nagha­yag na pumanaw na ang una kahapon.

Katatapos lamang ng misa nang hilingin ni Munda na magdasal ma­tapos na makatanggap siya ng text message ng asawa ng isang dating goverment official na nag­balitang patay na si Aqui­no. Dito na nagsimulang mag-iyakan ang mga em­pleyado ng city hall at iba pang dumalo sa misa.

Lumilitaw na si dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna ang nagbi­gay ng impormasyon kay Munda na nakuha naman ni Azcuna sa misis ni dating Interior Secretary Ce­sar Sarino.

Ayon kay Azcuna, si­nabi sa kanya ni Sarino na may natanggap itong text na pumanaw na ang dating pangulo subalit itina­tanggi naman ito ni Sarino.

Laking gulat naman ni Margie Juico sa report at pinabulaanan ang impor­masyon kung saan sinabi nito na nakausap niya ang anak ni Gng. Aquino na si Pinky at sinabing bu­hay ang kanilang ina. Maging si Fr. Munda ay nagulat sa paglilinaw ni Juico.

Dahil dito, mangiyak-ngi­yak na nanawagan si Juico na tigilan ang pag­papakalat ng mga maling impormasyon dahil hindi ito nakakatulong sa pag­galing ng dating pangulo. Aniya, dapat na munang bineripika ang impor­masyon bago isinagawa ang pahayag.

Mas kailangan nga­yon ng pamilya Aquino ang dasal at suporta at hindi ang mga maling impor­mas­yon at paninira.

Maging ang emba­hada ng Britain sa Pilipi­nas ay “nakuryente” ng maling balita at nagpa­dala pa sa mga reporter ng pahayag ng pakiki­ramay sa pamilya Aquino.

Gayunman, agad na hu­mingi ng paumanhin ang Britsh Embassy sa maling impormasyong ito.

Nauna rito, ipinalabas ni Foreign Affice Minister Lord Malloch Brown ng British Embassy ang isang pahayag na nag­sasaad ng pakikiramay at kalungku­tan sa sinasa­bing pagyao ng dating Pangulo.

“Humihingi po kami ng taos-pusong paumanhin. Lumalabas na mali ang nakuha naming impor­masyon,” sabi ng emba­hada. “Salamat sa inyong pang-unawa.”

Kasalukuyang naka­ra­tay si Aquino sa Makati Medical Center dahil sa sakit niyang colon cancer.

Samantala, nagkulay-dilaw ang palibot, mga punong-kahoy, gusali pati na ang mga sasakyan sa iba’t ibang lugar sa Kalak­hang Maynila lalo na sa Makati City nang simulan kahapon ang pagtatali ng mga dilaw na laso o yellow ribbons upang ipadama ang suporta, pagmamahal at simpatiya ng publiko kay Aquino.

Una ng ginamit ang ganitong kampanya noong panahon na pinatatalsik si dating pangulong Ferdi­nand Marcos noong deka­da 80 para maipakita ang suporta kay dating Sena­dor Benigno “Ninoy” Aqui­no ng lumaban ito sa una para maibalik ang de­mokrasya. 

AQUI

AQUINO

AZCUNA

BRITISH EMBASSY

BRITSH EMBASSY

DATING

MUNDA

SARINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with