^

Bansa

Obando mayor pinagpapaliwanag sa missing na P40-milyong pondo

-

MANILA, Philippines - Dapat na magpaliwanag sa Commission on Audit si Obando, Bulacan Mayor Orencio E. Gabriel at mga tauhan nito dahil sa nawawalang P40 milyon pondo ng lokal na pamahalaan noong 2008 matapos na walang maipakitang record ng inventory report mula sa Municipa­l treasurer.

Batay sa Annual Audit Report para sa taong 2008 ni State Auditor V Carmelita Alvarez na ipinadala kay Gabriel, inatasan nito ang Municipal Assessors Office at Treasurer’s Office ng Obando para maipakita kung saan napunta ang proyekto sa Property, Plant and Equipment na nagkakahalaga ng P33,533,554.45. Kasama din ang koleksiyon sa Real Property tax na nagkaka­halaga ng P4,074,961.78 noong 2008.

Nadiskubre din ng auditing team ng COA na hindi kumpleto ang inventory ng local na pamahalaan sa naturang proyekto. Nadiskubre din na hindi magkatugma ang financial statement ng Obando sa kasalukuyang pondo nito.

Bunsod dito’y, maituturing na “unreliable” ang natu­rang isinumiteng report ng Obando noong 2008 kaya naman dapat umanong magpaliwanag si Gabriel.

ANNUAL AUDIT REPORT

BATAY

BULACAN MAYOR ORENCIO E

BUNSOD

MUNICIPAL ASSESSORS OFFICE

NADISKUBRE

OBANDO

PLANT AND EQUIPMENT

REAL PROPERTY

STATE AUDITOR V CARMELITA ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with