Maruming pulitika 'di ko style - Duterte
MANILA, Philippines - Dapat na buong tapang na harapin nina House Speaker Prospero Nogra les at Commission on Human Rights (CHR) chairperson Leila de Lima ang reklamo sa kanila ng isang inmate na umano’y kanilang pinadukot mula sa Panabo City Jail para gawing testigo laban sa grupong Davao Death Squad (DDS).
Ayon kay Davao City Administrator Wendell Avisado, tagapagsalita ni Davao City Mayor Duterte, malayo sa black propaganda at politika ang reklamo ng inmate na si Jonathan Balo, laban kina Nograles, de Lima at walong pulis.
Aniya, imposible ang nais palabasin nina Nograles at de Lima na si Duterte ang nasa likod ng DDS at tila gumagawa ito ng sariling multo. At wala sa pagkatao umano ni Duterte ang hu malo sa maruming politika.
Una ng sinabi ni Balo na pwersahan siyang inilabas sa kulungan noong Hulyo 6, at pinaaamin na dating miyembro ng DDS na iniuugnay kay Duterte.
Kasabay nito, ipinatatakda na ni acting Justice Secretary Agnes Devanadera ang preliminary investigation hinggil sa naturang kaso, lalo na ang pagdukot kay Balo mula sa kulungan dahil tanging ang korte lang aniya ang may kapangyarihan na magpalabas ng inmate.
- Latest
- Trending