DH ibinenta sa sex ring

MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong buwang pagkakadukot, nakatakas ang isang Pili­pinang domestic helper sa kamay ng isang white slavery gang matapos na ma­ lasing ang guwardya ng Bangladeshi prostitution ring sa Kuwait, iniulat ng Em­bahada ng Pilipinas kaha­pon.

Sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs, nakatakas ang overseas Filipino worker na itinago sa pangalang Jenny, 41, ng Alabang, Mun­tinlupa at tubong Da­­ vao City noong Hulyo 11, 2009 nang maka­kuha ng tiyempo habang lasing ang bantay nito.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya, masaklap ang sinapit ni Jenny dahil matapos na makaranas ng matinding torture sa kamay ng kanyang among babae ay kinidnap at ibinibenta pa ng isang prostitution syndicate. (Ellen Fernando)


Show comments