^

Bansa

Bagman daw ng NBI 'nangongotong'

-

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na may mga alyas na Noel B. at Edwin R. na kapwa nag­papakilalang “bagman” umano ni National Bureau of Investigation Director Nestor Mantaring ang nanghihingi umano ng protection money o nango­ngotong sa mga gambling lord na kumikilos mula sa Region I (Ilocos) hanggang Region 5 (Bicol) ng bansa.

Kumakalat sa intelligence community ang ulat na isa umanong Atty. Santos ang inatasan nina Noel B. at Edwin R. para padoblehin ang nakukuha nilang ‘protection money’ sa illegal na pasugalan. Sakaling hindi umano magbigay ng hini­hinging ‘kotong,’ ginaga­wa raw ‘utu­san’ ng dala­wang na­banggit ang mga ahente ng NBI para ipasalakay ang mga suga­lang hindi ‘nakikisama.’

La­yunin daw nito na maka­likom ng P2 million para panggastos umano sa nalalapit na eleksiyon, bagay na dapat bigyang linaw ng NBI chief.

Mahigit isang buwan na umanong nangongo­tong sina Noel B. at Edwin R. na nagdedemoralisa sa mga organic personnel ng NBI dahil sa halip aniyang mga ‘high profile case,’ tulad ng pagbuwag sa kidnapping at iba pang organized crime syndicate ang inaasikaso ang ‘bureau,’ nakakaladkad ang ma­ganda sanang pangalan ng nasabing ahensiya sa illegal na pasugalan. (Butch Quejada)

BICOL

BUTCH QUEJADA

DALAWANG

EDWIN R

ILOCOS

KUMAKALAT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION DIRECTOR NESTOR MANTARING

NOEL B

REGION I

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with