^

Bansa

Tubig scam nabisto, ibinasura ng NEDA

-

MANILA, Philippines - Tahasang ibinasura ni National Economic and Development Authority Director General Ralph Recto ang isang maano­malyang proyekto ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System mata­pos matunugan na ito’y illegal at katulad ng kontro­bersyal na National Broadband Network-ZTE contract.

Ang proyekto ay tung­kol sa overpriced na $2 bilyong Laiban dam sa Tanay, Rizal na hindi umano dumaan sa public bidding.

Sa liham na ipinadala ni Recto kay MWSS Administrator Diosdado Jose Allado, sinabi niya na hindi katanggap-tanggap ang government guarantee na nakapaloob sa joint venture agreement ng MWSS at ng proponent na San Miguel Bulk Water Corp.. Ito ay dahil papasanin ng gobyerno lahat ng risk sa proyekto.

Tinuligsa rin ang dam project dahil sa lubhang na­pakataas na halaga ng paggawa ng dam na ipa­pasa din sa consumer sa pamamagitan ng ma­taas na singil sa tubig.

Nabatid na mas malaki sa NBN-ZTE scandal na naunang naimbistigahan ng Senado ang bagong kontratang nakahain sa lamesa ni Recto kung saan nagsisilbing chairman of the board si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod sa posibleng pagtaas ng singil sa tubig kada litro na nagkaka­halaga ng P45.00 mula sa P30.00 water rate ng dalawang water concessionaires ngayon, humigit-kumulang 4,000 pamilya ang mawawalan ng tirahan sa bagong water supply project na napasakamay ng San Miguel Bulk Water Corporation.

Maging si Sen. Aquilino Pimentel ay pinalagan ang proyekto lalo pa’t P15.5 bilyon kada taon ang ba­bayaran ng gobyerno sa SMBWC.

Malinaw ang P400 bil­yong kikitain ng kum­panya sa loob ng 25-taon kung saan magiging pag-aari panghabang-buhay ang Laiban Dam project dahil renewable ang kontrata. (Butch Quejada)

vuukle comment

ADMINISTRATOR DIOSDADO JOSE ALLADO

AQUILINO PIMENTEL

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR GENERAL RALPH RECTO

LAIBAN DAM

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

NATIONAL BROADBAND NETWORK

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with