^

Bansa

All-out war vs Abu go na!

- Joy Cantos -

ZAMBOANGA CITY, Philippines - Sinu­suyod na ng tropa ng militar at pulisya ang mga hideout o kuta ng mga bandidong Abu Sayyaf Group upang tuldukan na ang terorismo na iniha­hasik ng teroristang grupo sa Western Min­ danao partikular na sa Sulu at Basilan.

Alinsunod sa direktiba ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na huwag ng pakawalan ang pagkakataon na durugin ang mga bandido ngayong wala na ang mga itong bihag, sinabi ni AFP-West­mincom Chief Major Gen. Ben. Dolorfino na uunahin nilang arestuhin ang mga nalalabi pang top leaders ng Abu Sayyaf sa Sulu na sina Albader Parad, Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula at Radulan Sahiron, habang sa Ba­silan ay na­ngunguna sa lis­tahan sina Furuji Indama, Nurhassan Jamiri at Tahir Mundos.

Sa ibinabang kautusan ni Teodoro, nais nito na tapusin na ang Abu Sayyaf at dapat itong isagawa kaagad upang hindi na makadagdag problema pa sa 2010 national elections.

Ang grupo nina Parad at Pula ay responsable sa pagbihag sa tatlong ICRC workers.

Ang grupo naman ni Indama ang responsable sa pamumugot ng ulo ng 10 sa 14 nasawing tauhan ng Philippine Marines na nakorner ng mga bandido sa bayan ng Al Barka, Ba­silan noong Hunyo 10, 2007.

Nabatid kay 1st Marine Brigade Commander Brig. Gen. Rustico Guerrero na tinatayang nasa 80 hang­gang 100 bandido ang target ng kanilang operasyon sa Basilan.

ABU JUMDAIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AL BARKA

ALBADER PARAD

BASILAN

CHIEF MAJOR GEN

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO JR.

DOC ABU PULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with