^

Bansa

4 patay kay Isang

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nawawala sanhi ng mga pagbaha na dulot ng paghagupit ng bagyong Isang, ayon sa ulat kaha­pon.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Joemar Li­gar, 13 anyos ng Calo­ocan City; Lomer Fer­nando, 32 ng Batac, Ilo­cos Norte, isang 9-na-bu­wang gulang na sanggol sa La Paz, Iloilo at Arnold Julian, 9, ng San Mateo, Rizal.

Sa report kahapon ng tanggapan ni National Disaster Coordinating Coun­cil (NDCC) Executive Director Glenn Rabonza, si Ligar ay nasawi sa pag­kalunod sa pag-apaw ng tubig baha sa Tullahan River habang nakuryente naman si Fernando.

Nalunod din ang 9-buwang-gulang na sang­gol matapos mahulog sa higaan at anurin ng tubig-baha sa loob ng kanilang bahay samantala nahulog naman sa kanal si Julian at natagpuan ang bang­kay nito sa Marikina.

Nawawala naman si Jonathan Hormeneta, 22 na tinangay ng malakas na agos ng tubig baha habang tumatawid sa tulay sa Imus, Cavite.

Sa tala ng NDCC, aabot sa 25, 555 pamilya o kabuuang 94, 856 indi­bidwal ang naapektuhan ng bagyong Isang sa Ilo­cos Region, Southern Luzon at Metro Manila.

Nawasak rin ang li­mang kabahayan at ba­hagyang napinsala ang tatlong iba pa sa landslide sa Brgy. Buntong Palay, San Mateo, Rizal.

Ang malalakas na pag-ulan na nagdulot partikular na ng mga pag­baha ay nagbunsod sa pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa hila­gang Metro Manila, Moun­tain Province, Baguio, Cagayan, La Union at Pangasinan.

Inaasahan naman, ayon sa weather bulletin ng Pagasa, bagamat wala na sa bansa si Isang ay makakaranas pa rin ng patuloy na mga pag-ulan ang Metro Manila at ma­raming bahagi ng Luzon hanggang nga­yong araw bunga ng southwest monsoon.

ARNOLD JULIAN

BUNTONG PALAY

EXECUTIVE DIRECTOR GLENN RABONZA

ILO

ISANG

JOEMAR LI

JONATHAN HORMENETA

METRO MANILA

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with