Walang Pinoy sa Jakarta bombing

MANILA, Philippines - Wala umanong Pinoy na nadamay sa naganap na pagpapasabog sa da­lawang hotel sa Ja­karta, Indonesia kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Indonesia Vidal Querol sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, wala silang naiulat na namatay o nasugatang Pinoy ma­tapos na yanigin nang magkasunod na pagsabog ang Ritz-Carl­ton at Marriott hotels sa Jakarta.

Sa inisyal na report, unang narinig ang pagsa­bog sa Ritz-Carlton Hotel, na nagdulot ng malaking pinsala sa harapang ba­hagi nito.

Ilang minuto ay sumu­nod naman ang pagsa­bog sa Marriott Hotel.

Sa ulat ng local na mga awtoridad, anim ang kumpirmadong patay sa Marriott at ilang Indonesian at foreign guests ang mga sugatan sa magka­sunod na insidente ng pagpapasabog.

Matatandaang 12 ka­tao ang namatay sa nang­yaring pagsabog sa Mar­riott Hotel noong taong 2003, na sinasabing ka­gagawan ng terrorist group na Jemaah Islami­yah. (Mer Layson)

Show comments