^

Bansa

Seaman at guro dedo sa AH1N1

- Nina Ellen Fernando, Rose Tesoro At Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawa pang Pinoy ang itinumba ng AH1N1 virus o swine flu, matapos na isang tripulante ang tamaan nito habang nasa barko at nakadaong sa Hongkong at isang 43-anyos na guro sa Muntin­lupa.

Sa ulat ni Consul Ge­ne­ral Claro Cristobal sa Department of Foreign Affairs, dalawang malub­hang sakit ang tumama sa 42-anyos na seaman. tubong La Union, tulad ng Mithilin-Resistant Staphylococcus Aureus na isang mabagsik na bacteria.

Ngunit lumabas din sa pagsusuri sa kanya noong nakaraang Huwe­bes na nagpositibo din siya sa AH1N1 virus, bukod pa sa naturang sakit na siyang unang da­hilan umano ng kama­ta­yan nito.

Ang naturang Pinoy ay sakay ng Greek registered container ship na MCS Mykonos.

Umalis ang barko noong Hunyo 30 ngunit makalipas ang tatlong araw ay inatake na ng lagnat, ubo at pananakit ng dibdib ang seaman kaya agad na bumalik ng HK ang barko at isinugod sa ospital ang biktima at nanatili sa Intensive Care Unit nang magsimula ng makaranas ng respiratory failure. Makalipas ang dalawang araw ay namatay din ito.

Mabilis naman iniutos ng health officials sa Beijing na hanapin ang 20-crew ng MCS Myko­nos na nasa China nga­yon para maisailalim sa quarantine.

Samantala, bago ba­wian ng buhay ang 43-anyos na babaeng guro sa Muntinlupa ay naisu­god pa umano ito sa os­pital ngunit tuluyan ng hindi nakalaban ang immune system nito sa AH1N1 virus.

Agad na nagsagawa ng disinfection ang Department of Health sa buong paaralang pinapa­sukan ng biktima at ma­susi din hinahanap ang mga huling nakasala­muha nito.

Ipinag-utos naman ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro ang pagpapa­labas ng pondo para ibili ng oseltamivir o tamiflu at maipamahagi sa flu patients ng lungsod at ma­mamahagi ng face mask sa lahat ng itinuturing na high risk na nakasala­muha ng biktima.

Sa record, may tatlo ng nasawi sa AH1N1 virus na kinabibilangan ng 73-anyos na lalaki, 19-anyos na dalaga at 51-anyos na kawani ng Kongreso.

CLARO CRISTOBAL

CONSUL GE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

INTENSIVE CARE UNIT

LA UNION

MITHILIN-RESISTANT STAPHYLOCOCCUS AUREUS

MUNTINLUPA MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with