^

Bansa

Witness pa vs Montero lumantad

-

MANILA, Philippines – Isang labandera na si Mary Grace Arieta Patria ng Gozon Complex, Letre Road, Malabon ang luma­ntad at nagpapatunay na paulit-ulit umanong gina­hasa ni Manuel Montero ang isang anak nitong babae.

Sinabi ni Patria sa affidavit na ibinigay niya sa isang abogadong si Atty. Joel Gondola ng Quezon City na apat na taon siyang nag­lingkod bilang laban­dera ng pa­milya ni Monte-ro kaya alam niya ang pro­blema ng anak nito.

Inilabas ni Patria ang kanyang testimonya nang lumantad si Montero at umamin sa pagkakasang­kot at nalalaman nito sa pag­paslang kay Ruby Rose Jimenez na kapatid ng ak­tres at dating beauty queen na si Rochelle Barra­meda.

Sinabi ni Patria na “Ma­dalas kong naririnig na humahagulhol si Michelle (hindi tunay na pangalan) sa kanyang nanay dahil hindi raw niya makalimutan ang paulit-ulit na pangga­ga­hasa sa kanya ng amang si Montero.”

Sinabi ni Patria na hindi siya nabigla nang mala­man niya ang pagka­ka­sangkot ni Montero sa kaso ni Ruby Rose dahil kaya nitong gumawa ng krimen. (Rudy Andal)


vuukle comment

GOZON COMPLEX

JOEL GONDOLA

LETRE ROAD

MANUEL MONTERO

MARY GRACE ARIETA PATRIA

QUEZON CITY

ROCHELLE BARRA

RUBY ROSE

RUBY ROSE JIMENEZ

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with