^

Bansa

Nograles, de Lima kinasuhan ng preso

-

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong kriminal sina House Spea­ ker Prospero Nogra­les, Commission on Human Rights Chairman Leila De Lima at ilang pulis matapos na pilitin uma­nong ilabas ang isang preso na wa­ lang kautu­san ng korte para lang gawing testigo laban sa grupong Davao Death Squad.

Ang kaso ay isinampa ni Jonathan Balo ng Pe­ na­planta, Island Garden of Samal sa sala ni Prosecutor Dalisay-Fabrero ng Panabo City Prosecutor Office dahil sapilitan uma­no siyang inilabas ng Panabo District Jail at pilit na pinaamin na dating miyembro ng DDS.

Aniya, nais siyang itulad sa isa ring preso na nakilala lang sa panga­lang Jose Duremdes na inilabas ng preso at gina­wang testigo. Si Nograles at de Lima umano ang responsable sa paglala­bas sa kanya sa preso at saka dinala sa isang firing range na kinalalagyan ng apat na biktima ng DDS.

Itinuro naman ni Balo ang isang P/Supt. Serra­no at mga Jail Officer na sina Rodney Mediqueso, Prieto at anim na iba pa ang uma­ no’y “dumukot” sa kany­ a sa loob ng sel­da. Agad naman itinanggi ni Davao City Ma­yor Ro­drigo Duterte na sang­kot siya sa DDS at sina-bing may bahid politika at isang demolition job kaya siya iniuugnay dito. (ML)


DAVAO CITY MA

DAVAO DEATH SQUAD

HOUSE SPEA

ISLAND GARDEN OF SAMAL

JAIL OFFICER

JONATHAN BALO

JOSE DUREMDES

PANABO CITY PROSECUTOR OFFICE

PANABO DISTRICT JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with