^

Bansa

Pulis na nakasibilyan na magdi-display ng baril kakasuhan

-

MANILA, Philippines – Bawal na ang mga pulis na naka-sibilyan na nagsusukbit ng mga ar­mas sa kanilang mga baywang habang guma­gala saan mang panig ng bansa.

Sa direktiba na ipina­labas kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa., sasam­pahan ng kasong admi­nistratibo ang sinumang pulis na naka-sibilyan na mahuhuling nagsusukbit ng mga armas at tanging mga naka-unipormeng mga awtoridad ang pahi­hintulutan sa bagay na ito.

Ayon kay Verzosa, kung nakasibilyan ang mga pulis ay dapat sa mga handbags o clutchbags na lamang ng mga ito ila­gay ang kanilang mga armas sa halip na idis­play pa sa publiko.

Makakabuti rin ito upang hindi maagawan ng baril ang mga pulis habang nakasibilyang gumagala.

Samantala, ang mga sibilyan naman na mahu­huling nakasukbit ang mga baril ay tatanggalan ng lisensya alinsunod sa prohibisyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence. (Joy Cantos)


AYON

BAWAL

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

MAKAKABUTI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAMANTALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with