^

Bansa

2 Pinoy nagbigti sa Saudi

- Ni Ellen Fernando At Mer Layson -

MANILA, Philippines – Kapwa natagpuang nakabigti ang dalawang overseas Filipino wor­ker sa magkahiwalay na in­si­dente at lugar sa Saudi Arabia.

Sa tinanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Em­bahada ng Pilipi­nas sa Saudi Arabia, kini­lala ang mga ito na sina Silviana Bacera, 47, tu­bong Zam­boa­nga del Sur at Jun Breguer­­ra, 30, isang technician at tubong Ba­liuag, Bu­lacan.

Sa paunang imbesti­gasyon ng Saudi Police, si Bacera na isang domestic helper ay na­dis­kubre ng employer nito na naka­bitin gamit ang nylon cord na ipinu­lupot sa kanyang leeg sa kusina ng pinag-li­lingkurang bahay sa Dam­mam.

Samantala, patay na rin nang makita ang OFW na si Breguerra sa loob ng kanyang pa­hingahan matapos uma­­nong bigtiin ang sarili sa Al Khobar.

Wala pang iniuulat na motibo sa pagpa­pa­tiwa­kal ni Bacera ha­bang ma­tinding depres­yon umano ang posi­bleng motibo ni Bregue­r­ra sa pagpapa­kamatay dahil sa hindi bi­nanggit na problema.

Nakikipag-ugnayan na ang mga opisyales ng Embahada ng Pilipi­nas sa Saudi authorities upang alamin kung may “foul play” sa na­turang magkasunod na sus­pec­­­ted suicide incient.


vuukle comment

AL KHOBAR

BACERA

BREGUE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JUN BREGUER

PILIPI

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

SHY

SILVIANA BACERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with