Delos Angeles naka-hospital arrest
MANILA, Philippines – Naantala ang pagkakakulong kay Sto. Domingo, Albay Mayor Celso Delos Angeles matapos na ma-confine ito sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City dahil sa patuloy na paglala ng sakit na cancer.
Sinabi ni Dr. Louie Bautista ng Philippine National Police Health Service, patuloy na lumalala ang cancer sa lalamunan ni delos Angeles na nasa stage 4 na, high blood pressure at diabetes, kaya naman hindi ito nabitbit ng mga pulis na nagserve ng warrant of arrest sa ospital. Dahil din dito’y hindi ito maililipat sa PNP-General Hospital sa Camp Crame.
Kinakailangan aniyang sumailalim ni delos Angeles sa 27 session ng radiation theraphy para mamonitor ang malalang kondisyon ng kalusugan. Ang naturang alkalde ang itinuturong utak sa financial scam ng public fund na idineposito sa 12 rural banks; pre-need companies at ng get-rich quick scheme sa korporasyon.
Sinasabing aabot sa P30-B ang nanakaw umano ni delos Angeles sa naturang katiwalian. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending