^

Bansa

Validity ng load, mas pinahaba

-

MANILA, Philippines – Simula sa Hulyo 19 ay mas mahaba na ang validity ng prepaid cellphone loads matapos itong sang-ayunan ng mga telecommunication companies sa joint public hearing kahapon ng Senate committee on trade and commerce at public services kahapon, sinabi ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Ruel Canobas, ang P10 load ay maaari nang umabot ng tatlong araw, samantalang ang P50 load na dati ay limang araw ay paa­abutin ng hanggang 15 araw.

Kung mas malaki aniya ang ilalagay na load ay mas matagal na ito nga­yong magagamit.

Nangako rin ang mga telcos na simula sa Hulyo 23 ay titigilan na ang pag­pa­pa­dala ng mga spam messa­ges kung hindi ito hinihiling ng mga subscribers.

Pinag-aaralan na rin kung pwedeng gawing kada tatlong segundo ang singil sa halip na bawat minuto sa tawag sa cellular phone.

Samantala, pi­nag-aara­lan na rin umano ng NTC ang mungkahi ni Senate President Juan Ponce Enrile na iparehistro na ang bawat subscriber identity module (SIM) card ng mga cellphone users para makatulong sa pagtu­gis ng mga kriminal.

Bunsod ito ng magka­sunod na pagsabog sa Cotabato gamit ang cell phone bilang triggering device ng bomba.

Naniniwala ang sena­dor na mas mabilis na ma­tutukoy ang suspek kung irerehistro ang SIM card. (Malou Escudero)

BUNSOD

COMMISSIONER RUEL CANOBAS

COTABATO

HULYO

MALOU ESCUDERO

NANGAKO

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with