Rent Control Law aprub na
July 15, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines – Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Arroyo ang Rent Control Law of 2009 na magbibigay ng isang taong moratorium sa pagtataas ng singil sa mga nangungupahan ng bahay.
Nakapaloob din sa bagong batas na hanggang sa 7 percent ceiling lamang ang susunod na adjustments hanggang sa December 31, 2013.
Sakop ng moratorium ang mga bahay na paupahan, apartments, boarding houses, dormitoryo at room at bed spaces.
Tinatayang aabot sa 1.6 milyon pamilya ang nangungupahan. (Rudy Andal/Angie dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am