Iskolar ni Cayetano umangal

MANILA, Philippines – Nagrereklamo ang mga scholars ni Rep. Laarni “Lani” Cayetano ng unang distrito ng Taguig-Pateros dahil sa umano’y pagpapabaya sa kanila ng mambabatas dahil kailangan nilang maghin­tay ng halos anim na bu­wan upang makuha nila ang kanilang tulong pi­nan­siyal.

Nagpakita sa mga paaralan sa kanyang na­sasakupan si Cayetano sa graduation cere­mo­nies ng mga paara­lan noong Marso at inihayag ang 10 scholars bawat paaralan subalit hang­gang ngayon ay hindi pa nakakatanggap kahit isang sentimos ang mga napangakuan.

Nakapagpatala o enrol na ang mga estud­yante subalit naghihintay pa rin sila sa pangakong cash scholarship.


Show comments