^

Bansa

Utos ng Phivolcs: Residente sa Mayon ilikas na

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inutos na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paglilikas sa mga residenteng nakatira mala­pit sa bulkang Mayon o sa itinuturing na permanent danger zone dahil sa nag­babadyang panganib bun­sod ng pananatili nito sa alert level 2.

Ayon sa Philvocs, may senyales pa rin ang bulkan ng pagiging aktibo at maa­aring sumabog at mag­buga ng lava at abo, kaya naman pinaiiral na ngayon ang 6 km. Radius bilang Permanent Danger Zone sa palibot ng bulkan at hindi na rin pinapayagan na pumasok ang sinuman sa 7km extended PDZ sa southeast flank.

Maging ang mga ilog na laging dinadaluyan ng lahar ay hindi na rin pina­lalapitan ng Philvocs sa publiko, lalo na at may­roong sama ng panahon at matindi ang buhos ng ulan at ang pag-akyat sa bulkan ay di na rin pinapayagan.

Samantala, sinabi na­man ni Office of Civil Defense Administrator Glenn Rabonza na handa na rin ang gobyerno sakaling tuluyan ng sumabog ang Mayon matapos na maki­pagpulong ito sa mga local na opisyal ng Albay para makagawa ng natu­rang hakbang.

Nakipag-ugnayan na rin ang OCD sa Philippine Army, Philippine Navy at PNP hinggil sa mga sasak­yang kakailanganin kung tuluyan ng magkaroon ng ‘mass evacuation’ .

Samantala, isinara na rin ang daan patungo sa mga tourist spot na sakop ng Mayon, tulad ng Mayon Planetarium & Science Park na 3.5km ang layo mula sa crater ng bulkan, bagkus ay inirekomenda na lang ang ibang lugar dito gaya ng Ligñon hill at Legazpi City airport dahil makikita rin ang kabuuan ng Mayon bunga ng pag-aalburoto nito.

Una ng natabunan ang buong Cagsawa sa Da­raga kabilang ang simba­han dito ng sumabog ang Mayon noong Pebrero 1814 at nagbuga ng nag­babagang lava na nagre­sulta sa pagkamatay ng 1,200 katao.

LEGAZPI CITY

MAYON

MAYON PLANETARIUM

OFFICE OF CIVIL DEFENSE ADMINISTRATOR GLENN RABONZA

PERMANENT DANGER ZONE

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHILIPPINE NAVY

RIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with