^

Bansa

Devanadera aalisin sa DOJ?

-

MANILA, Philippines – Tinawanan lang ni Justice Secretary Agnes Devanadera ang mga balita na aalisin na siya sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Devana­dera,noong Martes sa ginanap na Cabinet meeting ay wala namang na­banggit ang Pangulo na magkakaroon ng rigodon sa hanay ng Gabinete.

Hanggang kanina ani­ya ay tatlong beses siyang tinawagan ni Pangulong Arroyo ngunit wala naman itong nabanggit sa halip ay binati lamang siya at ang DOJ dahil sa pagkaka-convict sa operator ng Pasig shabu tiangge na si Amin Imam Boratong at asawa nitong si Sheryl Molera.

Sinabi pa nito na sa­kali man alisin na siya sa DOJ ay wala namang problema dahil ang Pa­ngu­lo naman ang nagde­desisyon hinggil sa mga ganitong bagay.

Kung sa tingin aniya ng Pangulo ay mas magi­ging epektibo siya sa ibang gawain ay naka­handa siyang tanggapin ito.

Una ng napaulat na itatalaga ng Pangulo si Defense Sec. Gilbert Teo­doro sa DOJ habang si dating Presidential Peace Adviser Gen. Her­moge­ nes Esperon ang papalit sa Defense. (Gemma Amargo-Garcia)


AMIN IMAM BORATONG

DEFENSE SEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

GILBERT TEO

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER GEN

SHERYL MOLERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with