P8-milyong 'Peking duck' nasabat ng PASG

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P8 milyong halaga ng Peking duck at iba pang frozen seafood na mula sa China na tinangkang ipuslit sa North Harbor, Maynila.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang nasabing kar­go ay lulan ng 20-footer con­ tainer van na tinang­kang ilabas sa Manila International Container Port.

Ang nasabing karga­mento ay walang kau­ku­lang import permit mula sa Department of Agriculture.

Wika pa ni Villar, mabi­lis na natunugan ng PASG-Special Operations Group na ipupuslit ang karga­mento sa pakikipagsab­watan ng ilang tiwaling em­pleyado ng Bureau of Customs subalit nasabat ito sa Gothong Shipping Lines sa North Harbor. Nagkaroon ng komos­yon sa pagitan ng PASG at BOC dahil nais ng Customs employees na sila na ang ku­­ mumpiska sa kar­ga­men­to subalit tumang­gi ang PASG.

Iniutos din ni Villar ang ma­lalimang imbestigasyon upang matukoy ang sina­sa­bing kasabwat ng mga smug­glers mula sa BOC upang mailabas ang nasa­bing kargamento. (Rudy Andal)

Show comments