Pagbenta sa mga alahas ni Imelda tuloy
MANILA, Philippines – Itutuloy ng Department of Justice (DOJ) ang pag-auction sa mga alahas ni dating First lady Imelda Marcos na nauna nang ki numpiska ng pamahalaan.
Ayon kay Justice Secretary Agnes Devanadera, itutuloy na nila ang public auction ng Malacanang collection taliwas sa mga lumabas na balita na ibabalik ito kay Marcos.
Ang pagkumpiska umano sa Malacanang collection ay bunsod sa kautusan ng anti-graft court kaugnay pa rin sa Arelma assets na may petsang April 2, 2009 kung saan iginiit ng pamahalaan na dapat na kumpiskahin ang kayaman ng mga Mar coses.
Sinabi ni Devanadera na ang pagrecover sa mga alahas ay malaking tulong sa social development programs ng gobyerno na ang makikinabang ay ang buong bansa.
Nabatid na mayroong tatlong jewelry collections na nakumpiska matapos ang 1986 Edsa People Power kabilang dito ang Hawaii collections kung saan kinumpiska ng United States Customs Service matapos na dumating ang pamilya Marcos sa Honolulu subalit na settle na ito noong December 18,1992.
Kasunod nito ay ang Roumeliotes collection na nakumpiska naman ng Philippine Bureau of Customs noong March 1,1986 subalit naayos na rin ito ng Korte Suprema matapos na hindi i-claimed ng pamilya Marcos.
Ang huli ay ang Malaca ñang collection na nakumpiska naman sa Palasyo matapos na lumipad ang pamilya Marcos patungong Hawaii. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending