MANILA, Philippines - Inaresto sa Saudi Arabia ang isang Pinay matapos na akusahan sa kasong pagpaslang sa kanyang kapwa Pinay na may 20 taon na umano nitong kaibigan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nabatid na dinakip ng Alkhobar police ang di pinangalanang Pinay matapos na matagpuan ng mga pulis ang bangkay ng biktima sa kanyang apartment noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon umano nang mainitang pagtatalo ang magkaibigan sanhi upang kumuha ng patalim ang suspek at saksakin ng ilang ulit ang biktima.
Hindi rin naman pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima, na may 20 taon na umanong kaibigan ng suspek.
Agad na naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na Pinay, na nang maaresto ay umamin naman umano kaagad sa krimen.