^

Bansa

Dagdag kaso sa konsehal ng Parañaque

-

MANILA, Philippines - Sa harap ng kinaka­ sang­kutang syndicated estafa at tax evasion, apat (4) pang tricycle driver ang sumugod sa Department of Justice (DOJ) para irekla­mo ang isang konsehal ng Parañaque City.

Ang mga drivers na sina Mario Saenz, Democrito Fernandez, Roberto Pa­rillos at Tito Porlague, pawang tricycle drivers ay naghain din ng kanilang rek­lamo laban kay Paraña­que Councilor Carlito Anti­puesto dahil illegal umano ang ginagawa nitong “hulog boundary scheme” o ang lending scheme nito para sa mga tricyle drivers bukod pa ang kawalan nito ng permit mula sa Security and Exchange Commission.

Anila, halos ibaon uma­no sila ni Antipuesto sa utang dahil umaabot sa 35% ang tubo kaya inaabot ng tatlong taon ang kani­lang pagbabayad.

Isinumbong din ng mga complainant ang mga pro­grama nitong libreng pali­bing sa halagang P15,000 dahil siya na umano ang magbabayad ng isa pang P15,000 dahil ang singil ng punerarya para sa serbisyo nito ay halagang P30,000. Ngunit nadiskubre nila na P8,500 hanggang P12,500 lang ang halaga nito sa suki nitong punerarya.

Una ng sinampahan ng kaso sa DOJ si Antipuesto ng isang grupo ng mga driver, sa pangunguna nina Ronald Y. Guzman, Marce­lino C. Nonato, Joselito Atabay at Norberto Momo, pawang residente ng natu­rang lungsod, kung saan itinanggi ni Antipuesto ang akusasyon at inihayag ang kahandaang humarap sa imbistigasyon ng DOJ. (Butch Quejada)

ANTIPUESTO

BUTCH QUEJADA

COUNCILOR CARLITO ANTI

DEMOCRITO FERNANDEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOSELITO ATABAY

MARIO SAENZ

NORBERTO MOMO

ROBERTO PA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with