GMA nagpaayos daw ng dibdib

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng Malacañang kung saan nagmula ang balita na ipinaayos daw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang “breast implant” kaya ito nagtungo sa Asian Hospital at hindi para sa self-quarantine.

Sinabi ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, na-shock ang buong Palasyo sa “tsismis” na pinaayos daw ni PGMA ang nagli-leak na breast implant na inilagay noong dekada 80 kaya ito nagpa-confine sa Asian Hospital.

Bukod dito ay may tumubo daw na cyst kaya tinanggal ito habang ni-laser naman daw ang kanyang kili-kili bilang solusyon sa excessive hair growth.

Wika ni Claudio, nag-self quarantine ang Pangulo kaya ito nagpa-confine sa Asian Hospital mula sa kanyang 13 araw na biyahe sa Japan, US, Colombia, Brazil at Hong Kong na pawang may mga kaso ng AH1N1.

Pinaiimbestigahan na nila kung paano at kung saan nagmula ang nasabing balita na pawang kasinunga­lingan umano. (Rudy Andal)

Show comments