^

Bansa

Expiry date ng cellphone load pinahaba

-

MANILA, Philippines - Pinahaba ng National Telecommunications Commission ang expiration dates ng mga prepaid cards o load ng cell­phones.

Sa ipinalabas na circular NO 03-07-2009 ng NTC, mas magiging ma­haba ang validity period ng mga loads kung saan ang load na P10 o mas mababa pa rito ay valid para sa tatlong araw mula sa dating isang araw na expiration.

Ang load na may ma­higit sa P10 hanggang P50 ay maaaring maga­mit sa loob ng 15 araw habang ang load na may halagang P50 hanggang P100 ay tatagal ng hang­gang 30 araw.

Ang loads na P100 hanggang P150 ay mag-e-expire ng 45 araw ha­bang ang load na may halagang P150 hanggang P250 ay may expiration date hanggang 60 araw at ang mahigit na P250 hanggang P300 load ay balido hanggang 75 araw habang ang mahigit P300 load ay tatagal ng 120 araw.

Ang bagong kautu­sang ito ng NTC ay epek­tibo 15 araw matapos na maisapubliko sa alin­mang pahayagan sa ban­sa.

Ayon kay NTC Commissioner Ruel Canobas, tatanggalin na rin ng mga Telcos ang P1.00 singil sa kanilang balance inquiry service.

Sa ngayon, ang P10 load ay valid lamang ng isang araw habang ang P30 load ay 3 araw, P200 load ay 30 araw at ang P300 load ay tatagal la­mang ng 60 araw. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)

ANGIE

ARAW

AYON

COMMISSIONER RUEL CANOBAS

CRUZ

DANILO GARCIA

HANGGANG

LOAD

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with