Pinay todas sa plane crash

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs na isang Pilipinang stewardess ang kabilang sa 164 katao na sakay ng bumagsak na eroplano sa Indian Ocean noong Hunyo 30.

Ang kumpirmasyon ay ipinabatid ng pamilya ng biktimang si Camille Lou Castillo Libron, 26, tubong Cebu City na kabilang sa 11 crew at 153 pasahero ng Yemenia Airways flight 626 na bumagsak malapit sa Comoros islands. (Ellen Fernando)


Show comments