^

Bansa

Cory lumabas na sa ICU

-

MANILA, Philippines – Bahagyang bumuti ang kalagayan ni dating Pa­ngulong Corazon Aquino bagama’t nasa maselang kalagayan pa rin bunga ng pinagdadaanan nitong sakit na colon cancer.

Batay sa impor­mas­yong nakalap, kahapon ay inilipat na sa regular room ang dating Pangulo mula sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Nabatid na tinigilan na rin ang pagbibigay ng chemotherapy at ibang mase­lang medical procedure kay Gng. Aquino.

Kinumpirma naman ni Sen. Noynoy Aquino na bahagya na ring naka­kapag-salita ang dating Pangulo.

Sa ngayon ay batid na rin ng dating Pangulo na marami ang nagdarasal ngayon para sa tuluyan niyang paggaling baga­man una nang nabanggit nito na gusto na niyang makasama ang kaniyang namayapang esposo na si Ninoy.

Patuloy naman ang pagdaraos ng 9-days novena ng mga tagasuporta, kamag-anak at mga ka­ibigan ni Cory sa Greenbelt Chapel ng Makati City.

Maging si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakiisa sa pagdarasal para kay Gng. Aquino. Nanawagan ang una sa taumbayan na manalangin para mabilis na gumaling ang huli. Napaulat na plano ng Malacanang na mag-alay ng misa para sa kanya. (Rose Tamayo-Tesoro at Rudy Andal)


vuukle comment

AQUINO

CORAZON AQUINO

GNG

GREENBELT CHAPEL

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

NOYNOY AQUINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with